^

Probinsiya

3 Buwaya, nahuli sa Isabela

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Tatlong buwaya ang nahuli ng mga residente matapos makita sa ka­habaan ng ilog sa bayan ng Benito Soliven, Isabela ka­makailan.

Ayon sa ulat, ang tatlong buwaya na nasa ka­tam­tamang laki ay nakuha sa ilog ng Barangay Gilingan, Benito Soliven noong Miyerkules matapos makita ng ilang mga residente rito.

Agad naman na pinagbawalan ng mga opisyal ng barangay ang lahat na residente rito na huwag magtungo sa nasabing ilog sa pangambang may mas malalaking buwaya na maaring nagtatago sa ilog.

Noong isang taon ay mahigit sa 50 maliliit na buwaya ang pinakawalan ng Mabuwaya Foundation sa ilog ng San Mariano-Divilacan, Isabela.

Agad naman na ibinigay sa nasabing foundation ang nahuling tatlong buwaya na pinaniniwalaang kabilang sa mga Philippine crocodile na pinakawalan noong isang taon.

vuukle comment

AYON

BARANGAY GILINGAN

BENITO SOLIVEN

ISABELA

MABUWAYA FOUNDATION

MIYERKULES

NOONG

NUEVA VIZCAYA

SAN MARIANO-DIVILACAN

TATLONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with