Arreza nagpaliwanag kay P-Noy

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni SBMA Administrator Armand Ar­reza na nagpaliwanag na siya kay Pangulong Benig­no Aquino III kaugnay sa ulat ng Commission on Audit (COA) na nakatanggap siya ng P26 milyong sahod kada taon.

Sinabi ni Adm. Arreza sa kanyang liham kay Pangu­long Aquino, misleading ang ulat ng COA na nag­sasabing P26 milyon ang natanggap nitong suweldo kada taon gayung P130,­000 ang kanyang sahod at P300,000 ang kanyang allowance na ang kabuuan ay P1.85 mil­yon kada taon.

Nilinaw din ni Arreza sa kanyang liham kay P-Noy na ang P26 milyon ay pondong nakalaan sa kan­yang opi­sina at hindi niya suweldo.

Aniya, dito magmumula ang para sa investment promotions at pag-host ng business events na nag­ ka­ka­halaga ng P3.6-M; Tourism promotions na P2-M; sponsorship ng mga events at government relations na P2.9-M; at budget para sa mga employees welfare tulad ng Christmas bonus at sports festival gayundin ang budget para sa anti-smuggling drive.

“So these are items na hindi kasama sa regular budget ng SBMA. These are development expen­ses, investment promotions, tourism promotions, employees welfare, environmental protection, lahat po yun naka­lagay sa tina­tawag na budget ko kaya medyo misleading na sabihin na take-home pay ko yun,” paliwa­nag pa ng SBMA administrator.

Show comments