CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang 12-anyos na babae ang iniulat na nasawi habang apat iba pa ang malubhang nasugatan makaraang pagtatagain ng kanilang amain na sinasabing nagbigti naman matapos ang insidente sa Barangay Monte Calvario sa bayan ng Bulan, Sorsogon kamakalawa. Si April Gracella ay napuruhan sa ulo ng itak samantalang nakikipaglaban naman kay kamatayan sa Pawa Hospital sina Eleanor Gracella, 35; anak na si Alberto Graccella, 11; magpinsang Arvin Lobusta at Anthony Lobusta. Samantala, nagbigti naman si Roan Mando, 33, live-in partner ni Eleanor matapos ang pananaga. Sa ulat ni P/Senior Supt. Eriberto Olitoquit, matinding selos ang isa sa motibo kaya naganap ang insidente.