BAGUIO CITY, Philippines — Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong naka-droga ang drayber ng Eso-Nice bus na nahulog sa may 150 metrong lalim na bangin kung saan aabot sa 42-katao ang nasawi noong Miyerkules ng umaga sa bahagi ng Naguillan Road sa Barangay Banangan malapit sa hangganan ng mga bayan ng Tuba at Sablan, Benguet.
Ipinag-utos na rin ni Atty. Federico Mandapat, regional director ng Department of Transportation and Communication-Cordillera na isailalim sa drug test at driver re-examination ang lahat ng drayber ng nabanggit na kompanya.
Opisyal naman sinuspinde kahapon ng DOTC-Cordillera ng isang buwan ang prangkisa ng Eso-Nice habang isinasailalim sa road-worthiness examination ang lahat ng bus.
Base sa naunang ulat, nawalan ng preno ang bus (AYB 549) na may lulang 49 pasahero kabilang na ang driver na si Romeo Subang Jr. at conductor na si Patrick Flores pagsapit sa bahagi ng Barangay Banangan, Sablan. Kabilang sa mga nasawi ay sina Michael Frederick Quinio, Frederick Quinio, Rose Nicole Quinio, Rosamen Carbante Quinio, pawang taga-Jackson Ville Florida (balikbayan); Arian Combis, Berio Almasen, Brenda Arsenio, Carlos Angeles, Carlota Anthony, Constantino Casugay Jr. Consuelo Marquez, Cristina Regacho, Enrique Hao Lim, Joey Combis Lobidad, Pablito Diones, Renato Limit, Roger Florida Pilor, Albert Anthony, Amethyst Calado, Francisco Sales, Gavino Pilay Gabin, Glen Lustica, Jessie Ramirez Jucar, Jun Dimalanta, Jun Laigo, Karen Mae Piluden Calixto, Maricel Malena, Marlon Joson, Marlon Paleg Tanan, Myra Sherene A. Santiago, Nida Ricamata, Octavio Polon, Oscar Dumo, Pastora Virginia Dawey, Rex Arsit, Rose Batane Alangdeo, Sheila Marie Mangilinan Estrada (fetus); at si Sheila Marie Mangilinan Estrada (pregnant). Sugatan naman sina Darwin Lomboy, Arnel Paras, Desiree Jucar, John Ray Jucar, Jay Angelo Gundran, Jerome Valdez, John Patric Flores, conductor; Juan Graygutcha, Romeo Subang, drayber, ng Badihoy, Baguio City.