P.250-mil­yong reward sa Palawan masaker ibinigay

PALAWAN, Philippines — Ipinag­ka­loob na ni Puerto Prin­cesa Mayor Edward Hage­dorn ang kalahati sa pa­ngako nitong P.500 mil­yong reward sa maka­ka­pagbigay ng impormas­yon para malutas ang Palawan massacre noong Lunes ng Agosto 9.

Ini-award ni Hagedorn ang P.250 milyon sa mga imbestigador at testigo na nakatulong sa paglutas sa pamamaslang kay ex-Navy Lt.Commander Ernesto Paiton, asawang si Chief Petty Officer Carmelita Paiton, anak na nurse na si Erlita Paiton, at mga pa­mangking sina Sharon at Renato Cabatuan.

Ang award ay hahatiin sa mga informant at mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) - Task Force Paiton.

Sa kasalukuyan, na­ares­to na ang pangunahing suspek na si Florencio Magada, caretaker ng pa­milya Paiton sa Puerto Prin­cesa City kung saan apat pang suspek ang pi­nag­hahanap. 

Samantala, nagpalabas na ng court order ang hu­kuman para sa Globe Tele­com upang magpalabas ng record ng cell phone calls para kay Chief Petty Officer Carmelita Paiton para ma­gamit sa imbestigasyon.

Matatandaang natag­puang tadtad ng saksak ang pamilyang Paiton at kani­lang mga kaanak na iginapos sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Miguel, Puer­to Princesa City, Pa­lawan.

Show comments