Misis utas sa 'akyat-bahay'

CAVITE, Philippines — Pinagsa­sa­k­sak at napatay ang isang 47-anyos na misis habang da­lawang iba pa ang na­su­gatan matapos muling su­malakay ang mga mi­yembro ng Akyat-Bahay Gang ka­hapon ng mada­ling-araw sa Barangay Sa­pa, sa bayan ng Naic, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang na­paslang na si Josephine Del­gado habang sugatan na­man ang anak nitong si Ro­gelyn Delgado,16; at ang ka­ibigang si Jenny. Lu­mi­litaw sa police report, si­na­mantala ng mga ka­watan na na­tu­tulog ang mga bik­tima kung saan isinagawa ang krimen.

Show comments