CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Napaslang ang lover na drayber ng misis matapos ratratin ng mister ng huli kahapon ng madaling-araw sa Barangay Anislag sa bayan ng Daraga, Albay. Napuruhan sa batok ng bala ng baril si Noel Magsino, 42, ng Barangay Marao sa bayan ng Padre Burgos, Quezon.
Napag-alamang sa ulat ng pulisya na tumigil sa tapat ng bahay ng kanyang kalaguyo ang biktima mula sa pagmamaneho ng Silver Star Shuttle and Tours Inc. mula sa Metro Manila patungong Samar. Lingid sa biktima ay nabasa ng suspek ang kanyang text sa kalaguyo na dadaan ito sa nabanggit na lugar kaya inabangan at isinagawa ang krimen.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, ang misis ay naging pasahero ng biktima hanggang sa ang dalawa ay magkarelasyon, subalit nadiskubre naman ng mister.