MANILA, Philippines - Dalawang piloto ang iniulat na nawawala habang tat long iba pang crew ang nasagip makaraang bumagsak ang helicopter ng Navy sa bahagi ng karagatan ng Sta. Cruz Island, Zamboanga City noong Martes ng umaga. Kabilang sa pinaghahanap na piloto ay sina Lt. Tristan Corpuz at co-pilot Lt. Gerald Tamayo. Nasagip naman sina PO2 Rodolfo Pataueg, PO2 Noel Ridad at si PO2 Abdon Martinez na nasa ligtas nang kalagayan sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City. Nabatid na nagsasagawa ng air patrol maintenance flight ang Navy Bolkov PNH411 nang bumulusok sa karagatan. Agad namang idinispatsa ni Rear Admiral Alexander Pama, out-going commander ng Naval Forces Western Mindanao ang tatlong barko ng Philippine Navy na nagsagawa ng search and rescue operations.