^

Probinsiya

Anak ng BGH director, 2 pa tiklo sa droga

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY, CEBU, Philippines Ka­laboso ang binagsakan ng anak na lalaki ng director ng Baguio General Hospital and Medical Center at dalawang iba pa matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation may ilang metro lamang ang layo mula sa Baguio City Hall at himpilan ng pulisya kahapon ng umaga.

Naaktuhang nagbe­benta ng shabu sina Allan Factora, 36, anak ni Dr. Manuel Factora, director ng BGH; Maynard Belen, 24, at si Melinda Fernan­dez, 37, kung saan ti­nangka pang tumakas ng tatlo.

Napilitang putukan ng mga tauhan ni Drug Enforcement Unit chief P/Senior Inspector Henry Do­mogan ang apat na gu­ long ng Toyota Hi-lux pick-up (UGW 728) ng mga suspek.

Kasunod nito, tinang­kang palabasin ng pulisya ang tatlo sa sasakyang tumawid sa pedestrian crossing sa kahabaan ng Abanao Street hanggang sa dumating at mamagitan si Dr. Factora at misis nito.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu na may street value na P3,776. May teorya ang pulisya na nilunok ng tatlo o kaya hinalo sa soft drink ang iba pang bawal na droga para maiwasan ang makum­piska.

May ilang buwan na ring mino-monitor ng mga anti-narcotic agent ang grupo ni Factora, dahil sa pagkaka­sangkot sa ba­ wal na droga.

vuukle comment

ABANAO STREET

ALLAN FACTORA

BAGUIO CITY HALL

BAGUIO GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

DR. FACTORA

DR. MANUEL FACTORA

DRUG ENFORCEMENT UNIT

MAYNARD BELEN

MELINDA FERNAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with