7 dedo sa poso negro

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kama­tayan ang sumalubong sa pitong sibilyan matapos makur­yente sa hinuhukay na poso negro sa Sitio Ki­montod, Barangay Guin­lajon sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga na­sawi ay sina Benito Jin­talan, 65, may-ari ng ba­hay na nag­papagawa ng poso-negro; Arnel Jana­ban, Gilbert Janaban, Leo­foldo Jordan, 68; Neptali Jordan19; Jose Macapa­gal, 64; at si Ro­nald Maca­pagal, 22, sa­man­talang nakaligtas na­man si Eric Janaban.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Eri­berto Olitoquit, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi habang naghu­hukay ang mga biktima sa ga­ga­wing poso-negro na pag-aari ni Benito.

Dahil sa kumagat na ang dilim ay napilitang kumuha ng linya ng kur­yente si Benito para ila­wan ang mga naghu­hukay.

Sa hindi inaasahan ay nadulas at nahulog sa hi­nuhukay na may tubig si Benito kung saan nakapa­lupot pa sa katawan nito ang linya ng kuryente.

Dito na tinangkang tu­lungan ng anim na naghu­hukay ang kanilang amo subalit maging sila ay magkakasunod na nakur­yente. 

Masuwerte naman na­ka­atras kaagad si Eric at nakahingi ng tulong sa mga kabarangay kung saan pinutol naman ang pinagmumulan ng kur­yente. Dagdag ulat ni Joy Cantos­

Show comments