Kano natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Halos natusta ang katawan ng isang Kano habang isa pa ang nasugatan makaraang masunog ang isang bahay sa subdibisyon sa Brgy. Taculing, Bacolod City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang nasawi na si France Sharp, 87, ng Royal Palm Subdivision habang gina­gamot naman sa Bacolod Doctor’s Hospital ang sugatang si Marie Stephanie Villanueva, 22, na na­gtang­kang sumagip kay Sharp pero nabigo. Sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, nagsimula ang apoy sa kuwarto ni Marie na anak ni Michael Villanueva. Tinatayang aabot sa P1milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy. Lumilitaw naman sa inisyal na imbestigasyon na faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog.

Show comments