CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Umaabot sa P.3 milyong halaga ng 10 yunit ng gamit-kalamidad (portalet) na pag-aari ng provincial government ng Albay ang sinunog ng mga armadong lalaki noong Sabado ng tanghali sa Mayon Rivera Subdivision sa Barangay Lidong sa bayan ng Sto. Domingo, Albay. Lumilitaw na sinalakay ng grupo ang nabanggit na lugar bago sinilaban ang sampung apparatus na ginamit noong nakalipas na kalamidad dakong alas-12 ng tanghali. Ayon sa ulat, ang mga portalet ay ginagamit sa mga evacuation center kapag may kalamidad partikular na sa pagputok ng Mt. Mayon. Pina-iimbestigahan na ni Albay Gov. Joey Salceda ang naturang pangyayari.