BULACAN, Philippines — Dinamdam ng 19-anyos na lalaki ang pakikipagkalas ng kaniyang syota kaya nagdesisyon magbigti sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon ng umaga. Natagpuang nakabitin sa loob ng kuwarto si Alvin Castillo,19, ng Intan Street sa Barangay Burol 1st sa nabanggit na bayan. Ayon kay PO1 Ian Sanchez, huling namataang buhay si Castillo na sumundo sa kanyang mga utol sa bahay ng kanyang lola para magkakasabay na mananghalian, Napag-alamang nagkulong sa kuwarto ang biktima kung saan gumamit ng kumot sa pagpapakamatay. Lumilitaw na naging malulungkutin ang biktima sa nakalipas na araw dahil sa pakikipagkalas ng kanyang nobya sa hindi mabatid na dahilan.