BULACAN, Philippines — Tinatayang aabot ng P.5 milyong halaga ng kargamento na dadalhin sana sa dalawang bayan ang hinaydyak ng mga armadong lalaki na nagpakilalang pulis sa MacArthur Highway sa Brgy. Sumapang, Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga. Bandang alas-6 ng umaga nang harangin ng mga armadong lalaking lulan ng Toyota Revo ang van (RHT 786) nina Rogelio Gonzales Jr. 41, drayber, at Marbe Vito 23, pahinante, kapwa kawani ng malaking kompanya na may opisina sa United Nations Ave. Manila. Napag-alaman magdedeliber sana ng produkto sina Gonzales sa Malolos at Meycauayan City nang maganap ang kirmen. Ayon kay SPO3 Guilbert Punzalan, inabandona naman ang van sa bahagi ng Brgy. Sta. Clara sa Sta. Maria, Bulacan kung saan nilimas ang kargamento.