2 patay sa gas poisoning

Bauko, Mt. Province, Philippines  — Dalawang treasure hunter ang kumpirmadong nasawi maka­raang ma-suffocate sa loob ng tunnel sa Sitio Usok, Barangay Sinto, sa bayan ng Bauko Mt. Province noong Huwebes.

Kinilala ni Cordillera police spokesman P/Senior Supt. Leon Talleo ang dala­wa na sina Jose Goyek Irigo, 45; at Victor Baliga, 55, kapwa tu­bong Sitio Pactil, Brgy. Mo­namon Sur, Bauko.

Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay sinasabing nagha­hanap ng kayamanan sa ilalim ng tunnel gamit ang water pump machine nang mapaulat na nag-collapse.

Naunang rumesponde sina Elvis Dugas Bang-ot, 26, ng Brgy., Sadsadan; Car­deo Aligmayo, 52, ng Pactil, Mo­namon Sur at si ex-Mt. Province Governor Sario Meltio Malinias, 57.

Tinangkang pasabugin ng tatlo ang sinasabing poisonous gas sa loob ng tunnel gamit ang compressor subalit maging sila ay na­sugatan kabilang na si PO2 Exiquel Langpa kung saan isinugod sa Lutheran Hospital sa bayan ng Abatan, Bugias, Benguet.

Show comments