NPA sumuko sa militar
Nueva Vizcaya, Philippines — Isang lider ng New People’s Army (NPA) ang nagbalik loob sa pamahalaan bitbit ang dalawang matataas na kalibre ng baril matapos itong sumuko sa militar sa Mt. Province kamakalawa. Kinilala ng militar ang sumukong rebelde na si Bardo Arabten alyas Ka Efren, isang team leader ng Kilusang Larangang Guerilya ng Ilocos-Cordillera Regional Party Committee. Ayon sa ulat ng military, ang sumukong rebelde ay sumapi sa NPA noong 7-anyos pa lamang umano ito. Isinuko rin ni Ka Efren ang dalawang armas na kinabibilangan ng isang .30 cal. Garand rifle at isang Carbine at ilang mga bala. Tinanggap naman ni Ka Efren ang P20,000.00 na inisyal na cash assistance mula sa militar bilang bahagi ng integration program fund na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga rebeldeng nagbabalik-loob.
- Latest
- Trending