Binata nagbigti dahil sa magulang

CAVITE, Philippines — Nagbigti ang isang binata dahil sa so­brang sama ng loob nito sa kanyang mga magulang sa Golden City, Barangay Sa­lawag, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, ang bik­tima ay nakilalang si Noel Maniebo, 27-anyos, binata at residente ng B-20 L-30 P-9 ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya dakong alas-8:00 ng gabi ng madatnan ng ka­sambahay nito ang bik­tima na nakabigti ng nylon cord sa loob ng ka­ ni­lang banyo.

Nag-iwan ng suicide note ang biktima kung saan nagpapasalamat ito sa kan­yang Tita Isable Dol­lopase sa pag-aalaga sa kan­ya at pagpaa-aral ha­bang sinabi din ng biktima ang hina­nakit sa kanyang mga ma­gulang na nasa Bicol.

Show comments