^

Probinsiya

Pulis, 1 pa absuwelto sa pagpatay sa commentator

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinawalang-sala ng Manila Regional Trial Court ang isang pulis at isa pa na inakusahang nasa likod ng pagpaslang sa isang ko­mentarista ng DZJC noong 2004, matapos hindi mag­tugma ang cartographic sketch sa testimonya ng isang testigo ng prose­kusyon.

Sa desisyon ni Judge Reynaldo Alhambra ng MRTC Branch 54, napatu­nayang inosente ang mga akusadong sina SPO4 Apo­lonio Medrano at ka­sabwat nitong si Basilio Yadao, sa pagpaslang kay Roger Mariano, announcer at komentarista ng DZJC sa Laoag City.

Nabatid na ang biktima na kilalang hard-hitting na komentarista dahil sa pag­batikos nito laban sa jue­teng operation at sa ire­gularidad sa lokal na electric cooperative ay pinag­ba­baril ng hindi na­kiki­lalang suspect sa Laoag City noong Hulyo 31, 2004, habang sakay ng kanyang motorsiklo.

Sina Medrano at Yadao ang itinurong nasa likod ng pagpatay at kinasuhan.

Nabatid na hindi uma­ no kinatigan ng hukom ang testimonya ng testi­gong si Alvin Turingan, na nakita niya ang mga aku­sado sa­kay ng van sa pamamagi­tan ng rogue picture gal­lery, sa halip ki­natigan ang testimonya ng depensa na impo­si­b­leng makilala ni Tu­ri­ngan ang mga aku­sado kung naka flash sa kanya ang headlight ng sasak­yan.

ALVIN TURINGAN

APO

BASILIO YADAO

JUDGE REYNALDO ALHAMBRA

LAOAG CITY

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NABATID

ROGER MARIANO

SHY

SINA MEDRANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with