^

Probinsiya

5-anyos pinatay sa bugbog ng 2 kuya

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang 5-anyos na babae ang pinatay sa bugbog ng dalawa nitong kapatid na menor-de-edad matapos paluin ng kahoy at ihulog sa hagdan ang una kama­kailan sa Calatrava, Neg­ros Occidental.

Kinumpirma ni Inspector Ramil Saro, Caltrava police chief, na ang bik­timang iti­na­go sa pa­ngalang Dolly ay binugbog at napatay ng mismong mga kapatid ni­tong kapwa menor-de- edad.

Sinabi ni Insp. Saro, kamakalawa lamang inire­port sa pulisya ang insi­dente ng kapitbahay dahil sa takot ng mga magulang na makulong din ang 2 ni­tong anak na sina Jim­boy, 12-anyos at Allan, 10-an­yos na siyang bumug­bog at nakapatay sa biktima.

Ayon kay Saro, nag­ta­mo ng mga pasa at sugat sa katawan ang biktima matapos itong paluin ng kahoy saka hinulog sa hagdan ng 2 nitong kapatid na menor-de-edad.

Wala sa kanilang taha­nan sa Sityo Minabuno, Barangay Bantayon ang ina ng bata na si Arlene Lumanat dahil naglala­ bada ito sa Poblacion nang mang­­yari ang insidente kamakailan.

Nakita na lamang ng ina na naghihingalo na ang biktima sa matinding palo at hindi na ito nadala sa pagamutan at sa takot na makulong ang 2 nitong anak ay hindi na ito nag­report sa pulisya.

Napag-alaman ng pul­is­ya na nakikita ng mga bata kung paano mag-away ang kanilang mga magulang kaya ginaya ito ng mga anak hanggang sa ma­patay ang biktima ng mis­mong mga kapatid nito.

Dinala ang mga suspect na kapwa menor-de-edad sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa counse­ling matapos mapatay nito ang kanilang kapatid dahil lamang sa hindi pagsunod sa kanilang utos. (with trainess Mary Ann Chua/Mary Joy Mondero)

vuukle comment

ARLENE LUMANAT

BARANGAY BANTAYON

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

INSPECTOR RAMIL SARO

MARY ANN CHUA

MARY JOY MONDERO

SARO

SHY

SITYO MINABUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with