Suspek sa Palawan massacre nadakma
MANILA, Philippines - Apat na araw matapos ang malagim na krimen kung saan napaslang ang isang retiradong Navy at apat iba pa, naaresto ng pulisya ang pangunahing suspek sa follow-up operation sa Brgy. Bacungan, Puerto Princesa City kahapon ng madaling-araw.
Pormal na kakasuhan ang suspek na si Florencio Magada, bukod pa sa kasong 2 counts ng rape na may warrant of arrest din na inisyu ni Judge Jose Bayano Usman ng Regional Trial Court Branch 50 ng Puerto Princesa City noong Oktubre 14, 2009.
Ayon kay Cruz, ang suspek ay nasakote sa Sitio Sta. Fe, Brgy. Bacungan, Puerto Princesa City dakong alas-2 ng madaling-araw.
Positibo namang kinilala ng ilang testigo si Magada na namataang duguan ang pantalong asul na tumatalilis mula sa bahay ng pamilya Paiton ilang oras bago nadiskubre ang krimen.
Sa phone interview, sinabi naman ni P/Senior Supt. Ceasar Daniel Miranda, hepe ng Puerto Princesa City PNP, lumilitaw na nagtanim ng matinding galit ang suspek sa pamilya Paiton matapos masibak bilang katiwala sa loob ng anim na taon.
Pinaghahanap din ang tricycle driver na sinakyan ng suspek.
- Latest
- Trending