19 preso sinilaban

MANILA, Philippines - Tatlong preso ang iniulat na nasawi, habang 17 iba pa ang sugatan ka­bilang ang dalawang nasa kritikal na kalagayan maka­ra­ang silaban ng kapwa presong naburyong sa loob ng Ifugao District Jail sa bayan ng Kiangan.

Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Supt. Dave Lim-mong, hepe ng Investigation ng Ifugao Provincial Police Office, na­matay noong Miyerkules ng gabi sa Ifugao General Hospital sina Willy Sairez at Mamao Mali­ngay habang si Efren Lin­da­wan ay nasawi naman kama­kalawa ng ma­daling-araw

Samantala, nasa kritikal na kondisyon si Joel Amado.

Nahaharap naman sa pa­nibagong kasong kri­mi­nal ang convicted rapist na si Floriano Tayaban na sina­sabing natukoy na respon­sable sa panununog.

Ayon naman kay P/Senior Supt. Lawrence Mom­bael, naganap ang panu­nunog ni Tayaban sa mga kapwa preso sa Tiger Hill, Baguinge, Kiangan, noon pang Lunes ng gabi.

Napag-alamang binuhu­san ng gas na kinolekta sa mga lampara na ginagamit ng mga preso ang kumot, da­mit, unan habang natu­tulog.

Matapos silaban ay nag­tago pa sa palikuran si Ta­ya­ban kung saan nagkun­waring walang alam sa insidente.

Idineklara ni Dr. Jeremy Dunuan ang nasa ligtas na ka­lagayan na sina Nestor Moog, Anthony Dela Cruz, Mario Budihon, Lucas Cac­lini at si Robert Ma­dayag. Wala na­mang nakatakas na iba pang preso sa nasa­bing insidente.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na na-depress si Ta­ya­ban matapos mabalitaang ililipat siya sa National Bili­bid Pri­ sons sa Muntin­lupa City ma­tapos ma-convict sa kasong rape sa sala ni Judge Joseph Baguilat ng RTC Branch 14 sa bayan ng Lagawe.

Show comments