^

Probinsiya

Traffic aide pumigil sa emergency, sinaksak

- Ni Randy Datu -

ZAMBALES, Philippines — Isang traf­fic enforcer na sinasabing pumigil sa drayber ng tray­sikel na magdadala sa isang pasyenteng nasa kritikal na kalagayan sa klinika ang kasalukuyang nakikipag­laban kay kamatayan mata­pos pagsasaksakin kama­kalawa ng gabi sa bayan ng Subic, Zambales. Sa ulat na tinanggap ni P/Senior Insp. Nelson Dela Cruz, kinilala ang nasaksak na si Erwin Ocampo, 44, traffic aide ng Subic Traffic Management Board, at nakatira sa resettlement Purok 4, Mangan-Vaca. Samantala, naaresto naman ang suspek na si Ronald Gamac, 27, traysikel dayber, ng Daligan Street sa nabanggit na barangay. Lumilitaw na hinarang ni Ocampo ang traysikel ni Gamac malapit sa munisipyo at tinangkang hulihin sa hindi nabatid na dahilan. At dahil sa emergency case ay nakiusap si Gamac subalit halip na payagan ay pinagmumura pa ang una kung saan pinayagan namang makaalpas sa pakiusap na rin ng ilang residente. Dahil sa namiligro ang buhay ng anak ni Gamac kung kaya nagdilim ang isip nito kung saan binalikan at pinagsasaksak si Ocampo.

DAHIL

DALIGAN STREET

ERWIN OCAMPO

GAMAC

ISANG

NELSON DELA CRUZ

OCAMPO

RONALD GAMAC

SENIOR INSP

SUBIC TRAFFIC MANAGEMENT BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with