Dalaga na-gang rape
MANILA, Philippines - Dahil sa panonood ng porno at pagbabasa ng malalaswang babasahin, tatlong lalaki kabilang ang 2 menor-de-edad ang natukso matapos na ireklamo ng isang 19-anyos na dalagang halinhinang ginahasa sa bisinidad ng Barangay Pook sa bayan ng Kalibo, Aklan noong Martes ng madaling-araw. Sa police report na nakarating kay Aklan Provincial Police Office Director Senior Supt. Epifanio Bragais Jr., ang biktimang itinago sa pangalang Brigitte ay lumuluhang dumulog sa himpilan ng pulisya para magsampa ng reklamo laban sa rapist. Naaresto naman ang isa sa mga suspek na si Arnold Ibanez, 32, habang ang dalawa pa ay hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan dahil sa pagiging menor-de-edad. Nabatid na nilansi ni Ibanez ang biktima matapos harangin habang naglalakad kung saan kasama pa sa panghahalay ang dalawang menor-de-edad.
- Latest
- Trending