P.2-mil­yong reward vs massacre suspek

MANILA, Philippines - Nag-alok na ng P.2 mil­yong reward si Puerto Prin­cesa City Mayor Edward Hagedorn para sa sinu­mang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng mga suspek na nagma­saker ng pamilya noong Lunes ng gabi. Ayon sa Army’s regional spokesman na si Lt. Col. Samuel Cabang, nasa pangangalaga nila ang iba pang miyembro ng pamilya ng nasawing si ex-Navy Lt. Commander Ernesto Pai­ton Sr. upang matiyak ang kalig­tasan. Isa sa sinisilip na moti­ bo ay ang paghihiganti at po­­sibleng kakilala ng pa­milya Paiton ang mga sus­pek da­hil walang bakas na wi­na­sak ang pintuan ng bahay sa Naval Officers’ Village sa Barangay San Miguel, Puerto Princesa City. Napaslang din ang mi­sis ni Ernesto na si Chief Pet­ty Officer Carmelita Pai­ton, anak na 21-anyos na nurse na si Erlita, at ang da­la­wang pamangkin na sina Sharon Cabatuan at Renato Cabatuan kung saan pawang pinagtataga.

Show comments