CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Tatlong kalalakihan na sinasabing nangholdap ng negosyante ang iniulat na napaslang matapos makipagbarilan sa mga pulis kamakalawa ng hapon sa bahagi ng Brgy. Tagongtong sa bayan ng Goa, Camarines Sur. Sa ulat ni P/Supt. Enrique Magalona, hepe ng Regional Intellegence Unit, tinangkang holdapin ng tatlong ‘di-pa kilalang lalaki ang isang negosyante subalit nakatunog ang ilang pulis na nagpapatrolya sa nabanggit na lugar. Dito na sumiklab ang shootout kung saan duguang bumulagta ang tatlo na kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan. Narekober naman ang tatlong baril at motorsiklo na ginamit sa insidente.