2 tanod dedo sa pamamaril
BULACAN, Philippines — Napaslang ang dalawang barangay tanod habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa harap ng San Roque Barangay Hall sa bayan ng Hagonoy, Bulacan noong Lunes ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Fernando Villanueva, ang dalawang napatay na sina Edgardo Viray, Fernando Martin habang sugatan naman sina Domingo Galvez, at Joselito Guanzon. Si Viray na hepe ng tanod ay idineklarang patay sa Emilio G. Perez Memorial District Hospital samantalang si Martin ay namatay sa Bulacan Medical Center. Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa harap ng barangay hall ang mga biktima nang ratratin bandang alas-7:30 ng gabi. Ayon kay Villanueva, posibleng away ng mga rebel returnee ang isa sa motibo ng pamamaril. Dino Balabo at Boy Cruz
- Latest
- Trending