Magsasaka ng citrus nag-shift sa pagmimina
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Bumagsak sa pagmimina ang kabuhayan ngayon ng karamihan sa mga citrus grower sa bayan ng Kasibu matapos malugi sa kanilang pananim dahil sa El Niño phenomenon. Ayon kay Kasibu Mayor Alberto Bumolo Jr., halos 50% ang nawala sa mga magsasaka ng citrus dahil sa mababang ani at hindi magandang bunga ng mga citrus na dulot ng ilang peste dahil sa nakaraang El Niño.
Apektado rin ang selebrasyon ng taunang Citrus Festival na nakatakda sana ngayong Agosto sa Malabing Valley na inaabangan ng karamihan bilang citrus capital ng Cagayan Valley.
Dahil dito, karamihan sa mga grower ay dumagsa na sa pagmimina upang matugunan ang kanilang pamumuhay. “You cannot help it. We have only limited source of income,” dagdag ni Bumolo
Kinumpirma rin ni Raymundo Bolhayon, chairperson ng Salaknib sa isinaga wang International Day of the World’s Indigenous People sa Nueva Vizcaya State University na bukod sa mga residente at citrus grower ay may mga opisyal na rin ng lokal na pamahalaan ang nagsasagawa rin ng small scale mining sa kanilang bayan. Ang bayan ng Kasibu na kilala bilang citrus capital ng Region 2 ay mayaman din sa ginto kung saan matatagpuan ang pinakamalaki at kontrobersiyal na gold mining sa bansa.
- Latest
- Trending