Negosyanteng kagawad nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philipines —Isa na namang barangay kagawad na sinasabing negosyante ang napatay matapos pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa harapan ng Rabino Pharmacy sa Barangay Katipunan sa bayan ng Placer, Masbate kahapon ng umaga. Nasapol sa ulo ng bala ng baril at hindi na umabot pa ng buhay sa Francisco Medical Clinic si Victoriano Aranco, 44, ng Brgy. Guinhan-ayan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naghihintay ng sasakyan ang biktimang pauwi nang lapitan at ratratin.

Show comments