3 'tulak' arestado

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan, Philippines — Tatlong notoryus na tulak ng bawal na droga ang naaresto ng pulisya sa mag­kahiwalay na buy-bust operation sa Bulacan kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Supt. Fernando Villa­nueva, ang mga suspek na sina Anselmo Ramos, 37, ng Brgy. Bañga 1st, Plaridel; Jersey Bundalian, 24; at si Greece Berial, 29, kapwa nakatira sa Brgy. Bancal extention, Meycauayan City, Bulacan. Ayon sa bagong tatag na Bulacan Anti-illegal Drugs Special Operation Task Force na pinamumunuan ni P/Senior Insp. Edwin Bermejo, si Ramos ay nadakma sa bahagi ng Barangay Banga 1st habang sina Bundalian at Berial ay naaresto naman sa bisinidad ng Barangay Bancal.

Show comments