^

Probinsiya

Total log ban ikinasa

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Ikinasa na ang total log ban sa Isabela matapos magpalabas ng kautusan si Gover­nor Faustino “Bojie” Dy III.

Sa ipinalabas na executive order no. 04 ng gobernador, ang total log ban lamang ang so­lusyon upang mapatigil ang pagpupuslit at pagpuputol ng mga punongkahoy sa kabun­dukan lalo na sa nasasa­kupan ng Sierra Madre.

Isa rin itong paraan upang maputol na ang mga haka-hakang ipinupukol ng na­karaang administrasyon kay Dy na sinasabing may kinala­man sa logging activities ng na­banggit na lalawigan. Dahil dito, inatasan ni Governor Dy ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na agad ipatupad ang total log ban na magiging ngipin ng mga aw­toridad upang wakasan na ang pro­blema sa illegal logging. Pina­pabusisi rin ni Dy ang mga malalaking logging company na nagsasagawa ng mala­wakang pangangahoy gamit ang nakuhang pahintu­lot mula sa DENR.

vuukle comment

BOJIE

DAHIL

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

FAUSTINO

GOVER

GOVERNOR DY

IKINASA

NUEVA VIZCAYA

SHY

SIERRA MADRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with