19 sugatan sa road mishap
ZAMBALES, Philippines — Labinsiyam-katao ang nasugatan makaraang bumaliktad ang pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay San Lorenzo, sa bayan ng Masinloc, Zambales noong Biyernes ng tanghali.
Naisugod naman sa Ramon Magsaysay Memorial Hospital sina John Morgan Fernandez,17; Lorico Ballesteros Sr, 68; Lorico Ballesteros Jr, 29; Imelda Corpuz, 29; Cheene Jane Navarro, 20; Franklin Ebue, 72; Toni Luz Limbag,19; Adela Sevillano, 59; Pepito Sevillana, 62; Den Albert Villar,16; at ang konduktor na si Ismael Ecaldre na pawang nakatira sa bayan ng Masinloc at Candelaria.
Kabilang sa mga pasahero na nasa malubhang kalagayan ay sina Roseta Montero, 60; Justin Jay Ballesteros, 2; Lucena Rosete,76; Juanita Gumba, 57; Carlsen Ednabe, 19; Juanita Merin,60; Amalia Duallo, 39; at si Angelica Rosario,17.
Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Jelson M. Dayupay, hepe ng Masinloc PNP, nawalan ng preno ang Makasama Bus Liner (CXG 873) na minamaneho ni Samuel Ecaldre kung saan sumalpok sa gilid ng bundok bago bumaliktad.
Nakahanda naman tumulong sa mga biktima ang Zambales Minibus Operator Drivers Cooperative Association na pinamumunuan ni Armando Quejada.
- Latest
- Trending