^

Probinsiya

Pamangkin ni ex-Sen. Alvarez nalunod

-

BATANGAS, Philippines  — Napa­aga ang salubong ni kama­tayan sa 19-anyos na pa­mangkin ng dating senador matapos malunod habang nagsi-swimming sa beach resort sa bayan ng Nasug­bu, Batangas kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, Ba­tangas police director, ang nasawi na si Reigel Alvarez ng Barangay Laging Handa sa Quezon City at pamang­kin ni ex-Senator Heherson Alvarez at Department of Environment and Natural Resources Secretary.

Lumilitaw na nag-outing ang grupo ni Alvarez kasa­ma ang mga kamag-anak at kaibigan sa resort sa Talibeach Subdivision sa Barangay Balaytigue nang tangayin ito ng malakas na alon bandang alas-4:40 ng hapon.

Lumutang ang katawan ni Alvarez may 10-metro ang layo mula sa coastline ng resort, ayon sa mga imbestigador.

Naisugod pa sa Apa­cible Memorial Hospital si Alvarez pero idenekla­rang patay ni Dr. Mau­reen Villa­nueva.

Batay sa salaysay ni Isaac Valejo, assistant security officer ng resort, sinabihan na ng bankero ang biktima na huwag pumunta sa malalim na bahagi ng dagat pero hindi ito nakinig.

ALBERTO SUPAPO

ALVAREZ

BARANGAY BALAYTIGUE

BARANGAY LAGING HANDA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SECRETARY

DR. MAU

ISAAC VALEJO

MEMORIAL HOSPITAL

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with