DPWH official patay sa ambush

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang napatay matapos na tam­bangan at pagbabarilin ng mga armadong kala­lakihan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Talamban, Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Ciriaco Salazar, 49- anyos, DPWH Project Engineer.

Idineklarang dead-on- arrival ang biktima sa North General Hospital sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala sa ulo at katawan.

Batay sa report ng tang­gapan ni Cebu Provincial Police Office chief Sr. Supt. Erson Digal, naganap ang insidente bandang alas-7 kamakalawa ng gabi sa Villa Rio Uno Sub­di­ vi­sion, Cebu.

Pauwi na ang biktima sa kanilang tahanan at mina­maneho ang Isuzu Crosswind kasama ang misis nito nang biglang sumulpot ang dalawang armadong kala­lakihan na lulan ng mo­torsiklo.

Dinikitan ng mga sus­pek ang ‘driver’s side’ saka pinagbabaril ang biktima kung saan nasa ‘state of shock’ naman ang may­ba­hay pero nakaligtas naman sa insidente.

Nabatid na ang biktima ay nakatalaga sa DPWH 4th Engineering District sa Dalaguete, Cebu.

Narekober ng mga aw­to­ridad sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol ha­bang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pang­yayari upang matiyak ang motibo ng pamamaslang. (with trainees Rafael Za­panta/Mary Joy Mondero/Mary Ann Chua)

Show comments