2-seater plane nag-crash sa Baguio

BAGUIO CITY, Philippines — Isang 2-seater na Cessna trainer plane ang nag-crash sa Loakan Airport kahapon ng umaga kung saan ay sugatan ang piloto at student pilot na lulan nito. Ang mga nasugatan ay sina Capt. Glen Pedraja at student pilot nitong si Paul Burns. Kapwa isinugod sa Philippine Military Academy (PMA) hospital ang mga biktima na nagtamo ng minor injuries. Bandang alas-9:27 ng umaga kahapon ng biglang tumaob ang nasabing train­er plane habang ito ay nagta-taxi na sa Loakan airport matapos itong mag-overshoot sa runway ang kanang gear nito habang lumiliko pakanan. Iniimbestigahan naman ng PNP Aviation Security Group at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nasabing aksidente. Ang naaksidenteng Cess­na plane na may tail no. PRC-8864 ay pag-aari ng Omni Aviation Flying School na nakabase sa Clark, Pam­panga.

Show comments