BACOOR, Cavite, Philippines — Natusta sa loob ng kanilang bahay ang isang mag-tiyahin makaraang masunog ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Camposanto ng bayang ito. Kinilala ni Fire Marshal Sr. Insp. Aldwin Salazar ang mga biktima na sina Vanessa Libid, 13-anyos at tiyahin nitong si Ma. Lorelie Libid, 46-anyos. Lumitaw sa imbestigasyon, dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi ng magsimula ang sunog sa isang bodega na pag-aari ng ama ni Vanessa na mabilis na kumalat at nadamay ang isa pang bahay. Hindi nakalabas ang mag-tiyahin sa nagliliyab na tahanan ng mga ito hanggang sa matusta ang mga ito. Tinatayang aabot sa P1.5 milyon ang naging pinsala sa nasabing sunog na hinihinalang faulty electrical wiring ang dahilan.