LEGAZPI CITY, Philippines — Palaisipan sa mga guro ang naganap na misteryo sa ikalawang palapag ng Legazpi City High School matapos sapian ng masamang espiritu ang 23 estudyante na nagdaraos ng mass demonstration kahapon ng umaga sa Barangay Bitano sa Legazpi City, Albay. Bandang alas-9 ng umaga nang magkakasunod na nangisay, sumisigaw at manlisik ang mga mata ng 23 estudyante.
Kasunod nito, nagkagulo na ang ilang estudyante kung saan kaagad naman rumesponde ang mga guro at maging ang kani-kanilang mga magulang.
Pansamantalang sinuspende ang pagpasok ng mga estudyante habang iniimbestigahan ng mga kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan ang naganap na insidente.