Piskal pinabulagta
MANILA, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa provincial pro secutor habang nagjo-jogging makaraang pagba barilin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa bahagi ng Barangay Tugod sa Iligan City, Lanao del Norte noong Miyerkules ng umaga.
Ayon kay P/Senior Supt. Bernardo Reamon, provincial director ng Lanao del Norte Police Office, napuruhan sa dibdib at ulo si Piskal Macadatar Marsangca.
Naganap ang krimen bandang alas-6:45 ng umaga sa loob ng Prcye Property sa nabanggit na barangay kung saan nagjo-jogging ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang biglang lapitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen.
Pinaniniwalaang inabangan ang biktima sa nakagawian daanan sa page-ehersisyo tuwing umaga kaya madaling naisagawa ang pamamaslang.
Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong may kinalaman sa sensitibong trabaho ng biktima, clan war ng magkakalabang angkan at land dispute ang isa sa motibo ng pamamaslang. Joy Cantos at Gemma Amargo-Garcia
- Latest
- Trending