MANILA, Philippines - Isa na namang tagumpay ang isinusulong na peace talks ng pamahalaan makaraang sumuko ang may 56 rebeldeng New People’s Army sa Southern Mindanao, ayon sa opisyal ng militar kahapon. Sinabi ni Army regional spokesman Captain Emmanuel Garcia na ang mga nagsisukong rebelde ay mula sa Davao Region at ilang bahagi ng Region 12 partikular sa South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City at iba pang bahagi ng North Cotabato at sa katimugang bahagi ng Agusan del Sur. Kabilang ang pitong batang mandirigma na nasa 12.73% ng kabuuang sumurender noong Hulyo. Isa sa mga nagsisuko ay si Zaldy “Jinggoy” Canete na sumapi sa NPA sa edad na 13-anyos at naging lider ng grupo. Isinasailalim na sa tactical interrogation ang mga nagsisukong rebelde. Joy Cantos with trainees Rafael Zapanta / Mary Joy Mondero