MANILA, Philippines - Napaslang ang isang dating alkalde makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng highway sa Barangay Poblacion sa bayan ng Compostela, Cebu kamakalawa ng gabi.
Tatlong bala ng baril at idineklarang patay sa Danao City District Hospital si Joselito “Cocoy” Reynes na naging mayor noong dekada 80 bago ang Edsa People’s Power I Revolution at dating konsehal sa loob ng tatlong termino hanggang noong Hunyo 2010.
Sa ulat ng Police Regional Office 7 na nakarating sa Camp Crame, lulan ng pulang kotse na Hyundai Accent patungong Cebu City ang biktima nang hara ngin at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na lulan naman ng motorsiklo. Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm kung saan sinasabing may kinalaman sa hidwaan sa pulitika ang krimen.