CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang ilang opisyal ng pulisya makaraang makapuga ang dalawang preso sa himpilan ng pulisya sa Naga City, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Kasalukuyang naglatag na ng dragnet operation ang pulisya para madakip sina Richard Alincastre, 18; at Jeffrey Panoy 25, kapwa nakatira sa Zone 2, Barangay Triangulo at may mga kasong pagnanakaw. Lumilitaw na nagtungo ang dalawa sa palikuran sa katabing selda nang biglang maglaho na sinasabing umakyat sa gate ng kulungan. Nadiskubre ang jailbreak matapos mag-head count ang guwardiya.