^

Probinsiya

Suspek sa masaker arestado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isa sa 100 suspek sa Maguindanao massacre ang nada­kip habang nagpapagamot sa ospital sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao, ayon sa pulisya kahapon. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Edris Casan, ex-government militiaman na may patong sa ulo na P250,000 kung saan nagpapagamot sa ospital matapos masugatan sa naganap na encounter sa Barangay Labo-Labo sa bayan ng Datu Hoffer noong Biyernes. Ayon kay P/Senior Supt. Agrimero Cruz Jr., nauna nang sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group at lokal na pulisya ang tahanan ni Casan subalit nabigo silang maaresto ito. Nabatid na si Casan ay gumamit ng iba’t ibang pangalan kung saan nagpa-admit ito sa ospital, pero natukoy din matapos makakuha ng impormasyon.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

AYON

BARANGAY LABO-LABO

BIYERNES

CASAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DATU HOFFER

EDRIS CASAN

MAGUINDANAO

SENIOR SUPT

SHARIFF AGUAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with