^

Probinsiya

NPA attack: 1 PAF todas, 1 Army sugatan

-

BATANGAS, Philippines — Napas­lang ang isang 30-anyos na sundalo ng Philippine Air Force samantalang su­gatan naman ang isang Philippine Army sa naga­nap na magkahiwalay na bak­bakan laban sa mga rebeldeng New People’s Army sa mga bayan ng Ba­layan at Calatagan, Batan­gas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Ar­cadio Ronquillo, ang napa­tay na sundalo na si PAF Sergeant Dionisio Lerio Tanguilig ng Barangay Cantaños Lejos sa bayan ng General Mariano Alva­rez, Cavite at nakadestino sa 730th Combat Group sa Barangay Patugo Detachment sa Balayan, Ba­tangas.

Sugatan naman si Private First Class Rommel De Leon, 24, ng Palawan at miyembro ng Charlie Coy 16th Infantry Battalion, 2nd ID, Philippine Army, at naka-assign naman sa Ba­rangay Hukay Detachment sa bayan ng Calatagan.

Nabatid na nagsasa­gawa ng operasyon ang mga sundalo ng PAF sa kagubatan ng Barangay Patugo, Balayan nang makasagupa ang mga rebelde bandang alas-11:45 ng gabi.

Bumulagta agad si Sgt. Tanguilig at idineklarang patay sa Apacible Memorial District Hospital sa bayan ng Nasugbu, Ba­tangas.

Samantala sa bayan ng Calatagan, nagbabantay ng gate ng detachment si PFC De Leon sa Barangay Hukay nang sumabog ang tatlong granada na sina­sabing inihagis ng mga rebelde.

APACIBLE MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL

BALAYAN

BARANGAY CANTA

BARANGAY HUKAY

BARANGAY PATUGO

BARANGAY PATUGO DETACHMENT

CALATAGAN

CHARLIE COY

COMBAT GROUP

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with