Tirador ng computer, timbog
CALUMPIT, Bulacan, Philippines — Isang miyembro ng hinihinalang notoryus na robbery gang na responsable sa serye ng mga nakawan ng mga mamahaling computer sa mga establisyemento ang nasakote sa Brgy. San Marcos sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Ang nasakoteng sus pek ay nakilalang si June Cabungan, 38 ng Malolos City habang pinaghahanap pa ang kasamahan nitong tinukoy sa pangalang Nognog.
Inireklamo ng negosyanteng si Roxan LLamas 27, dalaga, residente ng Brgy. San Marcos ang pagnanakaw ng mga suspek sa dalawang CPU ng kaniyang mga computer.
Base sa imbestigasyon ni P/Insp.Edgardo Acosta dakong alas-12:10 ng madaling-araw ay pumasok ang dalawang kawatan sa computer shop na pag-aari ni Llamas upang magkunwaring gagamit ng computer sa pag-internet.
Habang kinakausap umano ni Llamas si Cabungan ay kinuha naman ni Nognog ang naturang mga CPU.
Sa follow-up operations ay nasakote naman ang dalawang suspek.
- Latest
- Trending