4 sundalo sugatan sa landmine
MANILA, Philippines - Apat na sundalo ang nasugatan makaraang sumabog ang dalawang bomba na pinaniniwalaang itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Paquibato District, Davao City nitong Biyernes.
Kinilala ang mga nasugatang sundalo na sina Pfc. Elmer Larroya, Pfc. Severo Garcia, Pfc Noel Amoroso at Prival Ramel Laranip; pawang miyembro ng Army’s 69th Infantry Battalion (IB).
Sinabi ni Army’ 10th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Carlos Holganza, sumabog ang dalawang Improvised Explosive Device (IED) dakong alas-7:45 ng umaga sa nasabing lugar.
Ayon kay Holganza, isang platoon ng mga sundalo ang ipinadala sa lugar upang iberipika ang napaulat na presensya ng mga armadong rebelde sa naturang barangay pero sinalubong ang mga ito ng pagsabog ng landmine.
Kaugnay nito, kinondena naman ni Holganza ang patuloy na paggamit ng mga rebelde ng landmine. with trainees Mary Ann Chua /Mary Joy Mondero
- Latest
- Trending