Dalaga ni-rape, tsinap-chop ng suitor
MANILA, Philippines - Malagim ang sinapit na wakas ng buhay ng isang 20-anyos na dalaga makaraan itong gahasain at i-chop chop pa ang katawan ng pinaghihinalaang binasted nitong manliligaw na ex-convict sa Barangay Pagalungan, Cagayan de Oro City, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang biktima na si Ruby Jane Abalde, residente ng nasabing barangay na positibong kinilala ng kaniyang pamilya.
Sa report na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang biktima ay iniulat na nawawala nitong Huwebes at nitong Biyernes ng bandang alas-7 ng umaga ay bumulaga sa mga residente ng nasabing Barangay ang tsinap-chop nitong katawan sa isang madamong bahagi sa lugar.
Sa pahayag sa mga awtoridad ni Gerald Abe-Abe, naghihinala silang ang ex-convict na si Reynante Luminda na binasted ng dalaga ang nasa likod ng karumaldumal na krimen.
Nabatid na si Luminda ay bagong laya lamang mula sa Prison Farms sa Davao Del Norte.
Sa follow-up operations, sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang tinutuluyan ni Luminda sa lugar pero sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa gamit ang isang cal. 38 sa mga awtoridad na siyang naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito. With trainees Rafael Zapanta/Mary Joy Mondero
- Latest
- Trending