Fixer sa LTO arestado

MALOLOS CITY, Philippines — Isang pinaniniwalaang fixer ng Land Transportation Office (LTO) ang naaresto sa isinagawang entrapment operations sa Plaridel, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Maricor Remudo, 27- anyos ng Barangay Cama­rin, Ca­loocan City. Tinutu­gis naman ang live-in partner nitong si Jo­nathan Enriquez ng Balagtas, Bu­lacan na kasabwat nito.

Ayon sa biktimang si Ernesto Surio ng Ba­ran­gay Lumang Bayan sa Pla­ri­del, nagsumbong siya sa mga awtoridad ma­tapos siyang alukin ng magka-live-in na mabilis nilang mapo­pro­seso ang dokumento nito sa LTO kapalit ng P10,000. 

Naaresto si Maricor sa isinagawang entrapment operations.

Show comments