^

Probinsiya

3 rebelde dedo sa engkuwentro

- Ni Randy Datu -

CAMP OLIVAS, Pam­panga, Philippines — Tatlong hinihi­na­lang miyembro ng Re­bolus­yonaryong Hukbong Bayan (RHB) ang na­patay ng tropa ng pa­mahalaan kahapon ng umaga sa Mexico, Pam­panga.

Ayon kay Region 3 Police director C/Supt. Arturo G. Cacdac Jr. wala pang na­­kukuhang pagkakaki­lanlan ng mga nasawi, dahil wala pang dumara­ting na mga kamag-anak nito para kila­lanin ang mga bangkay.

Ayon pa kay Cacdac, dakong alas-5:15 ng uma­ga ka­hapon, habang nag­sa­sa­gawa ng patrolya ang tropa ng Philippine Army kasama ang Mexico police ng isang tipster ang nag­sumbong na ilang ar­ma­dong tao ang nakitang gu­magala sa Purok 3, Ba­rangay Sta. Cruz dito.

Agad na tinungo ng tro­pa ng pamahalaan ang tinukoy na lugar kung saan ay nakita ang mahigit sa 12 hinihi­nalang mga mi­yem­bro ng RHB na armado ng mata­taas na kalibre ng baril.

Napag-alaman na ang grupo ay pinamumunuan ni Lenin Canda Salas na may alyas na Ka Red at Ka Lara.

Nagkaroon ng pa­litan ng putok ang military at RHB na tumagal ng 1 oras hanggang 3 re­belde ang napatay.

vuukle comment

ARTURO G

AYON

CACDAC

CACDAC JR.

HUKBONG BAYAN

KA LARA

KA RED

LENIN CANDA SALAS

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with