BATAAN, Philippines – Nagwakas ang mahabang panahong pagtatago sa batas ng isang Fil-Am na itinuturing na most wanted sa USA kung saan sangkot din sa iba’t ibang kaso sa bansa makaraang maaresto ng pulisya sa inilatag na checkpoint sa Barangay Layac, sa bayan ng Dinalupihan, Bataan noong Lunes. Kinilala ni P/Senior Supt. Arnold Gunnacao, ang suspek na si Virgilio Teruel y Leonzon, 57, dating pulis-Maynila at nakatira sa Barangay Sacrifice Valley. Sa tala ng pulisya, si Teruel ay may nakabinbing mga kasong estafa at robbery with multiple homicide sa Metro Manila at Quezon City noong1981. Nagkakaso rin si Teruel sa Estados Unidos kaya nagbalik-bayan hanggang sa lumabas ang mga larawan nito sa Internet na inilabas ng pulisya mula sa US.