DAGUPAN CITY, Philippines — Isang fishpen caretaker ang iniulat na nasawi makaraang tamaan ng kidlat noong Sabado ng hapon sa Brgy. Salapingao sa Dagupan City, Pangasinan. Sa naantalang ulat na nakarating sa Pangasinan PNP provincial office, kinilala ang nasawi na si Mark Fernandez, 22. Base sa pagsisiyasat, lumilitaw na nagpapakain ng mga bangus sa palaisdaan ang biktima habang malakas ang ulan nang biglang kumulog at tamaan ito ng kidlat. Idineklarang patay sa Region 1 Medical Center ang biktima.