LEGAZPI CITY, Philippines – Napaslang ang isang 18-anyos na estudyanteng tatlong buwang buntis makaraang pagbabarilin ng kanyang ka-live-in sa loob ng boarding house ng babae sa Diamond Street sa Brgy. San Felipe, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Alma National habang nakatakas naman ang suspek na hindi nabatid ang pagkakakilanlan. Base sa police report, bago maganap ang pamamaslang ay nagkasigawan ang magkalive-in hanggang sa umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.